Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

HULYO 10, 2013
UNITED STATES

Mga Saksi ni Jehova Pumirma ng Kontrata sa Pagbebenta ng mga Pasilidad sa Brooklyn

Mga Saksi ni Jehova Pumirma ng Kontrata sa Pagbebenta ng mga Pasilidad sa Brooklyn

NEW YORK—Noong Hulyo 5, 2013, pumirma ng kontrata ang mga Saksi ni Jehova para ipagbili sa RFR and Kushner Companies ang pasilidad na may limang gusali na dati nilang ginagamit sa paglilimbag sa Brooklyn, New York, pati na ang isang 30-palapag na residence building. Sisimulan ng mga Saksi ang pag-alis sa pasilidad ngayong Agosto. Babakantehin naman nila ang residence building sa 2017.

“Kapag tumatawid sa Brooklyn Bridge ang maraming commuter at turista sa New York City, nakikita nila ang mga karatulang ‘Read God’s Word the Holy Bible Daily’ at ‘Read The Watchtower and Awake!’ na nasa mga gusaling ito,” ang sabi ni David Semonian, isang tagapagsalita ng mga Saksi ni Jehova. “Sa loob ng maraming taon, ang gawain sa mga gusaling ito ay naging malaking bahagi ng kasaysayan ng aming organisasyon at ng pamamalagi namin sa Brooklyn.” Sa loob ng 77 taon, ginamit ng mga Saksi ang pasilidad na ito na may limang gusali para maglathala ng mga Bibliya at literaturang ginagamit sa pagtuturo ng Bibliya sa maraming wika. Sinimulan nilang okupahan ang una sa limang gusaling iyon noong 1927, at noong 1937, napadagdag dito ang katabing mga property. Ang 30-palapag na residence building ay tirahan ng mga sanlibong boluntaryo, na makakapunta sa printery nang hindi na kailangang lumabas ng pasilidad.

Ibinenta ng mga Saksi ang mga gusaling ito dahil lilipat na sila sa hilagang bahagi ng New York. Noong 2004, sinimulan nilang ilipat sa Wallkill, New York, ang printing, binding, at shipping operation ng sangay sa United States. Sa kasalukuyan, plano ng mga Saksi na ilipat sa Warwick, New York, ang kanilang pandaigdig na punong-tanggapan. Nakaiskedyul na simulan ang konstruksiyon bago matapos ang taóng ito.

Sinabi pa ni Mr. Semonian: “Hindi namin malilimutan ang aming mahabang kasaysayan sa Brooklyn. Sa mga gusaling ito kami naglathala ng salig-Bibliyang literatura na tumutulong sa mga tao sa buong mundo. Sabik na kaming lumipat sa mga bagong pasilidad sa Warwick para palawakin pa ang gawaing pagtuturo sa Bibliya sa buong daigdig.”

Media Contact:

International: J. R. Brown, Office of Public Information, tel. +1 718 560 5000