Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

OKTUBRE 8, 2013
UNITED STATES

Pagbaha sa Colorado

Pagbaha sa Colorado

Noong kalagitnaan ng Setyembre, nagkaroon ng malakas na pag-ulan sa estado ng Colorado, USA. Nagdulot ito ng mga pagbaha, anupat hindi nadaanan ang mga kalsada, nasira ang mga bahay, at namatay ang di-bababa sa 8 katao. Ayon sa mga report, walang isa mang Saksi ni Jehova sa rehiyon ang namatay o nasaktan. Pero mga 70 pamilyang Saksi sa mga lugar na lubhang nasalanta ang pinalikas sa kanilang mga tahanan. Ang mga elder na Saksi sa naapektuhang mga lugar ay tumulong para mabigyan ng pangunahing pangangailangan ang mga pamilyang ito, kasali na ang paghanap sa kanila ng pansamantalang matutuluyan.

Media Contact:

International: J. R. Brown, Office of Public Information, tel. +1 718 560 5000