Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

MAYO 23, 2013
UNITED STATES

Buhawi sa Oklahoma

Buhawi sa Oklahoma

Noong Mayo 20, 2013, isang buhawing may lawak na mahigit 2 kilometro at bilis ng hangin na mahigit 320 kilometro bawat oras ang sumalanta sa Moore, Oklahoma, sa timog ng Oklahoma City. Iniulat ng media na umabot na sa 24 ang bilang ng namatay, kasama ang 10 bata. Walang iniulat na namatay sa mga Saksi ni Jehova na nakatira sa lugar na iyon. Pero isang Saksi ang sugatán at kasalukuyang ginagamot. Inaasikaso ng mga relief committee na binubuo ng boluntaryong mga Saksi ang pangangailangan ng mga biktima at naglalaan ng pagkain, tubig, at espirituwal na kaaliwan.

Media Contact:

International: J. R. Brown, Office of Public Information, tel. +1 718 560 5000