Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

NOBYEMBRE 11, 2014
UKRAINE

Mga Saksi ni Jehova Payapang Nagtipon sa Ukraine; Naglabas ng Bagong Bibliya

Mga Saksi ni Jehova Payapang Nagtipon sa Ukraine; Naglabas ng Bagong Bibliya

Inilabas ni Anthony Morris ng Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova ang nirebisang New World Translation of the Holy Scriptures.

LVIV, Ukraine—Sa kabila ng digmaan sa silangang Ukraine, ang mga Saksi ni Jehova ay nagtipon sa Lviv noong Hulyo 4-6, 2014, para sa kanilang “Patuloy na Hanapin Muna ang Kaharian ng Diyos!” na Panrehiyong Kombensiyon. Inilabas ni Anthony Morris, miyembro ng Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova, ang nirebisang New World Translation of the Holy Scriptures sa makabagong wikang Ukrainian.

Isinaayos ng lokal na tanggapang pansangay ng mga Saksi na mapanood din sa 8 lunsod at 62 lokasyon sa Donetsk, kung saan pinakamatindi ang labanan, ang mahahalagang bahagi ng kombensiyon sa pamamagitan ng video. Ang bilang ng dumalo, kasama ang mga nasa lokasyong ikinonekta sa pamamagitan ng video, ay umabot nang 82,832, at ang pinakamataas ay 18,336 sa istadyum sa Lviv. May 1,068 nabautismuhan.

Ang pinakamataas na bilang ng dumalo sa “Patuloy na Hanapin Muna ang Kaharian ng Diyos!” na Kombensiyon sa Arena Lviv ay 18,336.

Isang bomb threat ang nakagambala sa unang araw ng kombensiyon kung kaya kinailangang lisanin ang buong istadyum. Sa loob lang ng 11 minuto, nakalabas ang mahigit 16,000 katao, pero agad namang nagpatuloy ang programa nang matiyak ng mga awtoridad na false alarm lang iyon.

Sinabi ni Vasyl Kobel, isang tagapagsalita ng mga Saksi ni Jehova sa Ukraine: “Natutuwa kami na napakaraming bisita sa aming kombensiyon. Ang tampok na bahagi ay ang paglalabas sa wikang Ukrainian ng nirebisang New World Translation, na unang inilabas sa Ingles noong Oktubre 2013. Masayang-masaya kaming ibahagi sa aming kapuwa ang pangako ng Bibliya tungkol sa isang mapayapang kinabukasan, lalo na ngayong maligalig na panahon sa kasaysayan ng aming bansa.”

Media Contacts:

International: J. R. Brown, Office of Public Information, tel. +1 718 560 5000

Ukraine: Vasyl Kobel, tel. +38 032 240 9323