Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

HULYO 25, 2017
UKRAINE

Mga Opisyal, Dumalo sa Open House sa Tanggapang Pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Ukraine

Mga Opisyal, Dumalo sa Open House sa Tanggapang Pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Ukraine

LVIV, Ukraine—Malugod na tinanggap ng tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Ukraine ang publiko sa isang espesyal na open house noong Mayo 2, 2017. Dahil sa isang-araw na pangyayaring ito, nakita ng mga opisyal ng lokal na komunidad at ng estado, propesor, negosyante, at mga kapitbahay mula sa lunsod ng Lviv, ang mga gawain sa sangay.

Kasama sa open house ang mga display para sa mga bata.

Gumawa ang sangay ng espesyal na mga eksibit para sa open house, kasama na ang mga display at video tungkol sa mga gawain sa sangay, makasaysayang museo, at isang lugar na dinisenyo para sa mga bata. Si Ivan Riher, tagapagsalita para sa mga Saksi ni Jehova sa Ukraine, ay nagsabi: “Ito ang kauna-unahang open house ng aming sangay mula noong 2001. Kilalang-kilala kami sa Ukraine dahil sa aming pagtuturo sa bahay-bahay, at tuwang-tuwa kaming anyayahan ang aming mga kapitbahay para makita kung paano tumatakbo ang aming tanggapang pansangay at kung paano ito nakakatulong sa komunidad.”

Nalaman ng mga dumalo ang tungkol sa mahabang kasaysayan ng mga Saksi ni Jehova sa Ukraine sa makasaysayang museo.

Si Andriy Yurash, direktor ng Department of Religious Affairs and Nationalities.

Ganito naman ang impresyon ni Andriy Yurash, direktor ng Department of Religious Affairs and Nationalities, isang departamento sa Ministry of Culture ng Ukraine, tungkol sa pagpapatakbo ng sangay: “Isa itong halimbawa ng relihiyosong organisasyon ng mga Saksi ni Jehova, na naglalarawan kung ano ang maaaring gawin para magkaroon ng pagkakaisa sa komunidad, sa pagitan ng mga miyembro nito at ng iba pang tao sa pangkalahatan.”

Sa taóng ito, nagkaroon din ng mga open house ang mga Saksi sa kanilang tanggapang pansangay sa Cameroon, gayundin sa kanilang pasilidad sa pandaigdig na punong tanggapan sa Warwick, New York.

Media Contacts:

International: David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000

Ukraine: Ivan Riher, +38-032-240-9323