Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

HUNYO 7, 2017
SRI LANKA

Pinsalang Dulot ng mga Pagbaha at Mudslide sa Sri Lanka

Pinsalang Dulot ng mga Pagbaha at Mudslide sa Sri Lanka

Ang mga Saksi ni Jehova ay tumutulong sa kanilang mga kapuwa Saksi gayundin sa iba pang biktima ng mga pagbaha at mudslide na nagdulot ng malaking pinsala sa gawing timog at kanluran ng Sri Lanka dahil sa mga pag-ulan na nagsimula noong Mayo 26. Ayon sa ulat, mahigit 200 katao ang namatay at mahigit 77,000 ang nagsilikas.

Ang tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Sri Lanka ay bumuo ng dalawang disaster relief committee para tugunan ang pangangailangan ng mahigit 100 Saksi na naapektuhan ng baha, at paglaanan ng pagkain at tuluyan ang mga nagsilikas. Walang Saksi ang iniulat na namatay sa sakuna.

Ang Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova, na nasa pandaigdig na punong-tanggapan sa New York, ang nag-oorganisa ng pagtulong sa mga nakaranas ng sakuna gamit ang mga pondong iniabuloy sa pandaigdig na gawaing pagmiministeryo ng mga Saksi.

Media Contacts:

International: David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000

Sri Lanka: Nidhu David, +94-11-2930-444