Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

PEBRERO 14, 2013
RUSSIA

Russia: Labag sa Batas ang Paghihigpit sa Kalayaang Magtipon

Russia: Labag sa Batas ang Paghihigpit sa Kalayaang Magtipon

Noong Disyembre 5, 2012, kinumpirma ng Constitutional Court ng Russia na hindi obligado ang mga relihiyosong organisasyon na kumuha muna ng permiso sa gobyerno bago magtipon sa ibang lugar bukod pa sa kanilang dako ng pagsamba. Ang kaso, na ibinangon ng Human Rights Ombudsman ng Russia, ay importante sa mga Saksi ni Jehova dahil nag-oorganisa sila ng mga pagtitipon taun-taon sa nirerentahang mga pasilidad at pribadong mga tahanan. Naging basehan ng Constitutional Court sa pagpapasiya ang mga kasong ipinanalo ng mga Saksi ni Jehova sa European Court of Human Rights. Sinabi ni Grigory Martynov, tagapagsalita ng mga Saksi ni Jehova: “Umaasa kami na malaya na kaming makapagtitipon at maitataguyod ang kalayaan sa relihiyon sa Russia dahil sa pasiyang ito.”

Media Contacts:

International: J. R. Brown, Office of Public Information, tel. +1 718 560 5000

Russia: Grigory Martynov, tel. +7 812 702 2691