Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

ABRIL 26, 2017
PILIPINAS

Inorganisa ng mga Saksi ang Muling Pagtatayo Pagkatapos ng Super Typhoon Nock-Ten

Inorganisa ng mga Saksi ang Muling Pagtatayo Pagkatapos ng Super Typhoon Nock-Ten

MAYNILA, Pilipinas—Sinimulan ng mga Saksi ni Jehova ang malawak na proyekto ng pagkukumpuni at muling pagtatayo ng mga bahay na napinsala o nasira ng Super Typhoon Nock-Ten (lokal na tinatawag na “Nina”).

Muling itinatayo nina Jason Dotimas (kaliwa) at Bethel Alvarez (kanan), Saksing mga manggagawa sa konstruksiyon, ang Kingdom Hall sa bayan ng Polangui, Pilipinas. Kapuwa sila naglakbay nang mahigit 650 kilometro (403 mi) para sa pagtulong sa panahon ng sakuna.

Noong Disyembre 25, 2016, ang rehiyon ng Bicol ay hinampas ng Category 4 na bagyong Nock-Ten, na nagdulot ng malawak na pagkawasak. Ayon sa mga report, 10 tao ang namatay dahil sa bagyo at mahigit 390,000 gusali ang napinsala. Bagaman walang Saksi ni Jehova sa lugar na iyon ang namatay o malubhang napinsala, mahigit 300 bahay ng mga Saksi at 24 ng kanilang lugar na pinagpupulungan (tinatawag na Kingdom Hall) ang napinsala o nawasak. Ang tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Pilipinas ay bumuo ng isang disaster relief committee sa Naga City para tulungan ang apektadong mga pamilyang Saksi.

“Ang aming mga boluntaryong manggagawa ay nakatulong sa pagtatayo o pagkukumpuni ng 271 bahay ng aming mga kapananampalataya at nagkumpuni ng 22 Kingdom Hall. Ang aming team na tumutulong sa pagtatayo ay patuloy na tutulong sa natitira pang 38 bahay at 2 Kingdom Hall na matatapos sa Abril 2017,” ang sabi ni Dean Jacek, isang tagapagsalita para sa mga Saksi ni Jehova sa Pilipinas.

Natapos na mga bahay. Gamit ang on-site prefabrication na paraan, ang isang bahay ay maitatayo sa loob ng anim na araw.

Ang pambuong-daigdig na gawain ng mga Saksi ni Jehova, kasama na ang pagtulong sa mga nakaranas ng sakuna, ay pinangangasiwaan ng kanilang Lupong Tagapamahala at suportado ng kusang-loob na mga donasyon. Sa mahigit na 8 milyong Saksi ni Jehova sa buong daigdig, mahigit 209,000 ang miyembro nito sa Pilipinas.

Media Contacts:

International: David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000

Philippines: Dean Jacek, +63-2-224-4444