Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

NOBYEMBRE 1, 2016
PILIPINAS

Mga Saksi Nag-organisa ng Tulong Pagkatapos ng Magkasunod na Bagyo sa Pilipinas

Mga Saksi Nag-organisa ng Tulong Pagkatapos ng Magkasunod na Bagyo sa Pilipinas

Tinutulungan ng mga Saksi ni Jehova ang kanilang mga miyembro at iba pang biktima ng Bagyong Sarika (tinawag na Karen sa Pilipinas) at Bagyong Haima (Lawin), na magkasunod na nanalasa sa isla ng Luzon, sa gawing hilaga ng Pilipinas, noong Oktubre 16 at 19, 2016. Ang Bagyong Haima, isang Category 4 na bagyo, ay isa sa pinakamalalakas na bagyong tumama sa Pilipinas pagkatapos ng mapangwasak na Super Typhoon Haiyan (Yolanda) noong 2013.

Walang isa man sa 200,000 Saksi ni Jehova sa Pilipinas ang namatay o malubhang nasugatan sa mga bagyong ito. Pero ayon sa inisyal na mga report, ang malalakas na hangin, pagbaha, at pagguho ng lupa na dulot ng Bagyong Haima ay sumira nang di-bababa sa 1,058 bahay ng mga Saksi at 43 Kingdom Hall, o lugar ng pagsamba.

Ang tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Pilipinas ay nag-organisa ng isang disaster relief committee na nakabase sa Tuguegarao City, Luzon, at nangongolekta ng relief goods, gaya ng pagkain at tubig na maiinom. Walong trak na ng relief goods ang naihatid sa mga apektadong lugar. Pinasimulan din ng tanggapang pansangay ang pagtatayo ng pansamantalang mga tirahan at ang pagkukumpuni sa nasirang mga Kingdom Hall.

Ang Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova, na nasa pandaigdig na punong-tanggapan, ang nag-oorganisa ng pagtulong sa mga nakaranas ng sakuna gamit ang mga pondong iniabuloy sa pandaigdig na gawaing pagmiministeryo ng mga Saksi.

Media Contacts:

International: David A. Semonian, Office of Public Information, 1-718-560-5000

Pilipinas: Dean Jacek, 63-2-224-4444