Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

DISYEMBRE 9, 2016
NEW CALEDONIA

Pagbaha at Landslide sa New Caledonia

Pagbaha at Landslide sa New Caledonia

Sinalanta ng wala pang katulad na malalakas na pag-ulan ang silangang baybayin ng New Caledonia pasimula noong Nobyembre 21. Iniulat na mahigit 400 milimetro (15 in.) ng ulan ang bumuhos sa loob ng 12 oras. Dahil sa ulan, nagkaroon ng matitinding pagbaha at mga landslide, na ikinamatay ng lima katao; tatlo pa ang nawawala at anim ang nasaktan.

Dalawa sa limang kumpirmadong namatay ay mga Saksi ni Jehova. Kasama sa iniulat na nawawala ang dalawang adultong anak nila.

Kinabukasan pagkatapos ng sakuna, dalawang kinatawan ng tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa New Caledonia ang dumating para magbigay ng espirituwal na tulong at mga relief supply. Mahigit 40 lokal na Saksi ang nagboluntaryong maglinis sa binahang mga tahanan ng mga kapuwa nila Saksi.

Ang Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova, na nasa pandaigdig na punong-tanggapan sa New York, ang nag-oorganisa ng pagtulong sa mga nakaranas ng sakuna gamit ang mga pondong iniabuloy sa pandaigdig na gawaing pagmiministeryo ng mga Saksi.

Media Contacts:

International: David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000

New Caledonia: Jean-Pierre Francine, +687-43-75-00