Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

SETYEMBRE 8, 2017
MEXICO

Mexico—Nilindol

Mexico—Nilindol

Noong Huwebes ng gabi, Setyembre 7, isang magnitude 8.2 na lindol ang tumama sa timog baybaying Pasipiko ng Mexico. Ito ang pinakamalakas na lindol na tumama sa Mexico sa nakalipas na isang daang taon, at di-kukulanging 45 katao ang namatay. Nakalulungkot, isa sa ating brother at dalawang sister ang kasama sa mga namatay.

Bukod diyan, ayon sa naunang mga report, maraming bahay ng mga kapatid at ilang Kingdom Hall ang napinsala o nasira. Napinsala rin ang dalawang Assembly Hall sa Chiapas. Patuloy pang inaalam ang sitwasyon doon.

Patuloy nating idalangin ang ating mga kapatid, na nagtitiwalang aaliwin sila at patitibayin ni Jehova.—2 Tesalonica 2:16, 17.

Media Contacts:

International: David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000

Mexico: Gamaliel Camarillo, +52-555-133-3048