Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

MAYO 22, 2015
MEXICO

Mga Saksi ni Jehova Inimbitahan sa Pinakamalaking Book Fair Para sa mga Nagsasalita ng Spanish

Mga Saksi ni Jehova Inimbitahan sa Pinakamalaking Book Fair Para sa mga Nagsasalita ng Spanish

MEXICO CITY—Inimbitahan ang mga Saksi ni Jehova na makibahagi sa Guadalajara International Book Fair, ang pinakamalaking book fair para sa mga nagsasalita ng Spanish at ikalawang pinakamalaki sa mundo, kasunod ng Frankfurt Book Fair sa Germany. Ginanap ito sa Guadalajara, Mexico, mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 7, 2014, at binisita ng mahigit 760,000 katao.

Mahigit 4,000 kopya ng dalawang-tomong aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas ang naipamahagi.

Kasama ng mga 1,900 publishing house mula sa 44 na bansa, ang mga Saksi ni Jehova ay nag-set up ng isang booth na nagtatampok sa Bibliya at mga babasahing batay sa Bibliya, lakip na ang mga aklat para sa espesipikong pangangailangan ng mga pamilya, tin-edyer, at bata.

Sinabi ni Gamaliel Camarillo, isang tagapagsalita ng mga Saksi ni Jehova sa Mexico: “Sa loob ng apat na araw, mahigit 10,000 ang bumisita sa booth namin at nakapamahagi kami ng halos 29,000 literatura nang walang bayad. Pero hindi lang pamamahagi ng literatura ang tunguhin namin. Dinisenyo ang aming mga magasin at aklat para ipakita ang praktikal na payo ng Bibliya, na nakatutulong sa milyon-milyon araw-araw.”

Media Contacts:

International: J. R. Brown, Office of Public Information, tel. +1 718 560 5000

Mexico: Gamaliel Camarillo, tel. +52 555 133 3048