Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

DISYEMBRE 12, 2016
INDONESIA

Malakas na Lindol sa Indonesia

Malakas na Lindol sa Indonesia

Maaga noong Miyerkules ng umaga, Disyembre 7, niyanig ng magnitude 6.5 na lindol ang hilagang baybayin ng Sumatra, isang isla sa Indonesia. Mahigit 100 katao ang kumpirmadong namatay at daan-daan ang nasaktan.

Ayon sa tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Jakarta, nakontak na ang lahat ng kanilang kapananampalataya sa lugar na iyon at walang namatay o nasaktan dahil sa lindol. Wala ring tahanan o lugar ng pagsamba ng mga Saksi ang napinsala.

Sinisikap ng lokal na mga Saksi na magbigay ng kaaliwan at tulong sa mga naapektuhan ng sakuna.

Media Contacts:

International: David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000

Indonesia: Tom Van Leemputten, +62-813-4527-1974