Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

SETYEMBRE 14, 2017
INDIA

Sinalanta ng mga Pag-ulan Dulot ng Habagat ang Mumbai

Sinalanta ng mga Pag-ulan Dulot ng Habagat ang Mumbai

Malalakas na pag-ulan dulot ng habagat ang bumuhos sa Mumbai, India, noong linggo ng Agosto 28, na ikinamatay ng 14 katao.

Iniulat ng tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa India na walang Saksi ni Jehova ang namatay o malubhang nasaktan. Pero binaha ang ilang bahay ng mga Saksi. Ang mga Saksi roon ay nagbigay ng pagkain at tumulong sa paglilinis ng napinsalang mga bahay ng mga kapuwa nila Saksi.

Patuloy na minomonitor ng tanggapang pansangay ang sitwasyon sa Mumbai pati na ang iba pang bahagi ng India na binaha.

Media Contacts:

International: David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000

India: Tobias Dias, +91-9845476425.