Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

NOBYEMBRE 12, 2013
INDIA

Bagyong Phailin Nanalasa sa India

Bagyong Phailin Nanalasa sa India

Noong Oktubre 12, 2013, hinagupit ng Bagyong Phailin ang mga estado ng Odisha at Andhra Pradesh sa silangan ng India. Ito ang pinakamatinding bagyong nanalasa sa India sa loob ng mahigit isang dekada. Dahil sa Category 4 na bagyong ito, na may lakas ng hangin na umaabot nang 140 mph, daan-daang libo ang napilitang lumikas mula sa Odisha at nagkaroon ng malalaking pagbaha na ikinamatay ng di-bababa sa 43. Walang isa mang Saksi ni Jehova sa mga lugar na ito ang naiulat na namatay o nasaktan. Bago manalasa ang Bagyong Phailin, ang tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa India ay bumuo ng isang relief committee para tulungang mailikas ang mga 70 Saksi mula sa baybaying estado ng Andhra Pradesh. Ang mga lumikas ay kinupkop ng mga kapuwa nila Saksi.

Media Contacts:

International: J. R. Brown, Office of Public Information, tel. +1 718 560 5000

India: Tobias Dias, tel. +91 9845476425