Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

MAYO 1, 2013
GERMANY

Order of Merit Iginawad ng Germany sa Isang Saksi ni Jehova

Order of Merit Iginawad ng Germany sa Isang Saksi ni Jehova

SELTERS, Germany—Noong Pebrero 22, 2013, si Mathilde Hartl, isang Saksi ni Jehova, ay ginawaran ng Order of Merit ng Prime Minister ng Bavaria na si Horst Seehofer. Ang Order of Merit ang pinakamataas na parangal na ipinagkakaloob ng Federal Republic of Germany sa mga indibiduwal dahil sa kanilang paglilingkod sa bayan.

Si Ms. Hartl, taga-Bavaria, ay pinarangalan dahil sa matiyagang pag-aalaga niya sa kaniyang may-kapansanang anak na si Martin, 26 anyos na ngayon. Bata pa si Martin nang matuklasang mayroon siyang Duchenne muscular dystrophy (DMD), isang sakit na kakikitaan ng tuluy-tuloy na panghihina ng kalamnan. Dahil dito, magdamagang inaasikaso ni Ms. Hartl ang mga pangangailangan ng kaniyang anak, pati na ang regular na pagmo-monitor sa paghinga nito at pag-aalis ng plema sa palahingahan nito para maiwasan ang impeksiyon o pulmonya. Ang isa pa niyang anak, si Max, ay may DMD rin at may kapansanan sa isip. Sa loob ng maraming taon, buong-pagmamahal na inalagaan ni Ms. Hartl ang kaniyang dalawang anak. Nakalulungkot, namatay si Max noong 2008, sa edad na 19.

Nang tanungin si Ms. Hartl kung saan siya humuhugot ng lakas para maibigay ang gayong pangangalaga, sumagot siya: “Sa aking mga paniniwala. Bilang Saksi ni Jehova, napakalaki ng paggalang ko sa buhay. Hangga’t kaya ko, gusto kong maging maligaya ang anak ko kahit may kapansanan siya.”

Pinuri ni Prime Minister Seehofer si Ms. Hartl at ang iba pang mga pinarangalan, sa pagsasabi: “Dahil sa inyo, kahit paano ay gumanda ang daigdig.”

Media Contacts:

International: J. R. Brown, Office of Public Information, tel. +1 718 560 5000

Germany: Wolfram Slupina, tel. +49 6483 41 3110