Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

MARSO 20, 2014
BALITA SA BUONG DAIGDIG

Mga Saksi ni Jehova Namahagi ng Imbitasyon sa Buong Daigdig Para sa Memoryal ng Kamatayan ni Kristo

Mga Saksi ni Jehova Namahagi ng Imbitasyon sa Buong Daigdig Para sa Memoryal ng Kamatayan ni Kristo

NEW YORK—Noong Sabado, Marso 22, 2014, sinimulan ng mga Saksi ni Jehova ang pambuong-daigdig na pag-aanyaya sa publiko para sa itinuturing nilang pinakamahalagang okasyon ng taon: ang Memoryal ng kamatayan ni Kristo. Noong isang taon, 19,241,252 ang nagtipon para sa pantanging okasyong ito. Umaasa ang mga Saksi na maaabot nila ang isang bagong peak sa bilang ng mga dadalo sa Memoryal sa taóng ito, na gaganapin sa Lunes, Abril 14, pagkalubog ng araw.

“Sigurado kaming masisiyahan at makikinabang ang lahat ng dadalo sa Memoryal kasama namin,” ang sabi ni J. R. Brown, isang tagapagsalita ng mga Saksi ni Jehova sa kanilang pandaigdig na punong-tanggapan sa New York. “Dahil diyan, gustong-gusto naming maanyayahan sa sagradong okasyong ito ang pinakamaraming tao hangga’t maaari.”

Media Contact:

International: J. R. Brown, Office of Public Information, tel. +1 718 560 5000