Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

AGOSTO 1, 2014
BALITA SA BUONG DAIGDIG

Kampanya ng mga Saksi Para Ipakilala ang JW.ORG, Website na May Pinakamaraming Salin

Kampanya ng mga Saksi Para Ipakilala ang JW.ORG, Website na May Pinakamaraming Salin

NEW YORK—Nitong Agosto 1, 2014, sinimulan ng mga Saksi ni Jehova ang isang-buwang pamamahagi ng bagong tract na Saan Makikita ang Sagot sa Mahahalagang Tanong sa Buhay? Ito ay para ipakilala sa buong mundo ang kanilang opisyal na website, ang jw.org. Dahil maa-access sa mga 500 wika, at may mga publikasyong mada-download sa halos 700 wika, ang jw.org ang website na may pinakamaraming salin sa buong mundo.

Mahigit isang milyong indibiduwal ang pumupunta sa jw.org bawat araw. Makikita sa website ang mga artikulo at video na nagbibigay ng praktikal na payo sa mga tao, anuman ang kanilang edad, pinagmulan, at kalagayan sa buhay. Ang isa sa mga videong ito, ang Bakit Magandang Mag-aral ng Bibliya?, ay naka-link sa QR code na nasa bagong tract. Para maipakita ang praktikal na pakinabang sa pag-aaral ng Bibliya, itinampok sa videong ito ang mga sitwasyon sa tunay na buhay, kasabay ng animation. Sa kasalukuyan, available ito sa mahigit 450 wika at nai-download na nang halos apat na milyong beses mula nang ilabas ito noong Nobyembre 18, 2013.

Si J. R. Brown, tagapagsalita ng mga Saksi ni Jehova sa kanilang pandaigdig na punong-tanggapan sa New York, ay nagsabi: “Excited kami sa kampanyang ito. Mga walong milyon ang mga Saksi ni Jehova sa buong mundo, at kaming lahat ay makikipag-usap sa mga tao tungkol sa website na ito. Siguro, ito na ang pinakamalawak na kampanyang inorganisa namin.”

Sinabi ni Geoffrey Jackson, miyembro ng Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova: “Mula nang ipakilala ito dalawang taon na ang nakararaan, nakita ng mga tao sa buong mundo na talagang malaking tulong ang jw.org. Sa website na ito, mapapanood mo ang mga video na makatutulong sa iyong mga anak, makikita mo ang mga artikulong makatutulong sa iyong pamilya, at mababasa mo pa nga ang Bibliya online. Hangga’t maaari, gusto naming mas marami pa ang makinabang sa jw.org, kaya naman ginawa namin ang espesyal na kampanyang ito.”

Media Contact:

International: J. R. Brown, Office of Public Information, tel. +1 718 560 5000