Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

SETYEMBRE 18, 2013
BALITA SA BUONG DAIGDIG

Bagong Sign-Language App!

Bagong Sign-Language App!

Sa bagong app na JW Library Sign Language, puwede kang mag-download at manood ng mga sign-language video mula sa jw.org. Puwede mong panoorin ang mga ito kahit hindi ka naka-connect sa Internet. Ang app na ito ay may makukulay na larawan, madaling i-navigate, at madaling gamitin. Puwede ito sa iPad®, iPhone®, at iPod touch®, pati na sa mga gadyet na gumagamit ng Android™ 3.0 at mas bagong version. Sa hinaharap, magkakaroon din ng Windows 8 version nito.