Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

ENERO 13, 2015
CROATIA

Eksibit ng mga Saksi Malugod na Tinanggap sa International Book Fair sa Croatia

Eksibit ng mga Saksi Malugod na Tinanggap sa International Book Fair sa Croatia

ZAGREB, Croatia—Sa kauna-unahang pagkakataon, ang mga Saksi ni Jehova ay sumali sa kilaláng Interliber International Book and Teaching Appliances Fair noong Nobyembre 11-16, 2014. Sumali sa taunang eksibit na ito ang daan-daan mula sa larangan ng paglalathala at edukasyon. Itinuturing itong isa sa mga pangunahing trade show sa Croatia. Ngayong taon ang may pinakamataas na bilang ng dumalo na mga 130,000 katao.

Si Dr. Ivo Josipović, Presidente ng Republic of Croatia, ay bumisita sa eksibit ng mga Saksi at kumuha ng ilang literatura.

Kasama sa mga bumisita sa displey ng mga Saksi si Dr. Ivo Josipović, Presidente ng Republic of Croatia. Binati ni Presidente Josipović ang mga boluntaryong Saksi at kumuha siya ng ilang literatura tungkol sa siyensiya at sa Bibliya na may pamagat na The Origin of Life—Five Questions Worth Asking, Saan Nagmula ang Buhay?, at Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation?

Makikita sa “children’s corner” ang mga animated video mula sa jw.org at mga publikasyong dinisenyo para sa mga kabataan at magulang.

Nagustuhan ng mga bumisita sa displey ng mga Saksi ang “children’s corner,” kung saan puwede silang manood ng mga animated video mula sa jw.org, ang opisyal na website ng mga Saksi ni Jehova. Dinisenyo ang mga video na ito para turuan ang mga bata ng mga aral mula sa Bibliya. Maraming bisita ang kumuha ng tomo 1 at 2 ng aklat na Ang mga Tanong ng mga KabataanMga Sagot na Lumulutas, na may praktikal na payo para sa mga kabataan at magulang.

Sinabi ni Josip Liović, isang tagapagsalita ng mga Saksi ni Jehova sa Croatia: “Napakasaya namin dahil maganda ang naging pagtanggap sa amin dito sa Interliber. Mas matagumpay ang eksibit namin kaysa sa inaasahan dahil mahigit 7,500 literatura ang kinuha ng mga bisita para iuwi. Nasasabik kami na muling itanghal ang aming literatura sa susunod na taon.”

Media Contacts:

International: J. R. Brown, Office of Public Information, tel. +1 718 560 5000

Croatia: Josip Liović, tel. +385 91 5336 511