Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

ABRIL 24, 2017
COLOMBIA

Nakamamatay na Mudslide sa Southern Colombia

Nakamamatay na Mudslide sa Southern Colombia

Noong madaling araw ng Sabado, Abril 1, 2017, umapaw ang tatlong ilog malapit sa lunsod ng Mocoa, ang kabisera ng probinsiya ng Putumayo sa Colombia, na naging dahilan ng mapangwasak na mga mudslide at daan-daan ang namatay. Nakalulungkot, iniulat ng tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Colombia na dalawang Saksi ni Jehova ang namatay sa sakuna at isa pa ang nawawala. Bukod diyan, limang pamilyang Saksi ang nawalan ng tahanan. Sinimulan ng mga Saksi ni Jehova ang relief work para paglaanan ng pagkain, tubig na maiinom, gasolina, at tuluyan ang mga biktima, at ang mga elder na Saksi ay naglaan ng espirituwal na suporta. Patuloy na mino-monitor ng tanggapang pansangay ang sitwasyon at sinusuportahan ang pagtulong na ginagawa roon.

Media Contacts:

International: David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000

Colombia: Wilson Torres, +57-1-8911530