Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

NOBYEMBRE 4, 2016
CAMEROON

Tren na Nadiskaril sa Cameroon, Marami ang Namatay

Tren na Nadiskaril sa Cameroon, Marami ang Namatay

Noong umaga ng Oktubre 21, 2016, isang tren na papunta sa daungang lunsod ng Douala, Cameroon, ang nadiskaril malapit sa bayan ng Eseka, mga 120 kilometro (humigit-kumulang 75 mi.) mula sa kabisera na Yaoundé. Mahigit 600 katao ang nasugatan sa aksidente, at mahigit 70 ang namatay.

Kasama sa mga sugatán ang 16 na mga Saksi ni Jehova. Namatay rin sa aksidente ang isang 65-anyos na elder ng isang kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova sa Douala. Ikinalulungkot namin ang pagkamatay ng aming kapananampalataya at ang pagdurusang dinaranas ng mga biktima at ng kanilang pamilya.

Media Contacts:

International: David A. Semonian, Office of Public Information, 1-718-560-5000

Cameroon: Gilles Mba, 237-6996-30727