Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

ENERO 18, 2013
BRAZIL

Mudslide sa Brazil

Mudslide sa Brazil

Noong unang linggo ng Enero, bumaha at nagkaroon ng mga mudslide sa Rio de Janeiro, Brazil, dahil sa malakas na pag-ulan. Mahigit 3,000 katao ang napilitang lumikas. Iniulat ng mga Saksi ni Jehova na sa halos 8,000 miyembro nila sa mga apektadong lugar, walang isa mang nasaktan. Pero walong pamilya ang nawalan ng lahat o ng ilan sa kanilang mga ari-arian dahil sa baha. Sila ay pansamantalang pinatuloy sa bahay ng kanilang mga kapananampalataya at mga kapamilya. Isang relief committee na binubuo ng mga boluntaryong Saksi ang nakapaghatid na ng apat na tonelada ng pagkain, tubig na maiinom, at iba pang pangangailangan sa mga lugar na pinakamatinding naapektuhan ng sakunang ito.

Media Contacts:

International: J. R. Brown, Office of Public Information, tel. +1 718 560 5000

Brazil: Pedro Catardo, tel. +55 15 3322 9000