Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

NOBYEMBRE 1, 2012
AUSTRIA

Pinagbabayad ang Austria Dahil sa Kanilang Diskriminasyon sa mga Saksi ni Jehova

Pinagbabayad ang Austria Dahil sa Kanilang Diskriminasyon sa mga Saksi ni Jehova

STRASBOURG, France—Noong Setyembre 25, 2012, ang gobyerno ng Austria ay hinatulan ng European Court of Human Rights sa salang diskriminasyon laban sa mga Saksi ni Jehova at pinagbabayad ng halos 13,000 euro (mga $16,600) para sa legal na gastusin ng mga Saksi.

Noong 2002, hindi pinahintulutan ng gobyerno ng Austria na manirahan sa bansa ang dalawang ministro ng mga Saksi ni Jehova mula sa Pilipinas na gustong magpatibay sa mga Saksi sa Austria na nagsasalita ng Tagalog. Sa isa pang kaso, pinagbabayad ng gobyerno ang mga Saksi ng gift tax para sa mga tinanggap nilang donasyon noong 1999. Sa dalawang kasong ito, ang mga Saksi ni Jehova ay hindi kinilala ng gobyerno bilang isang “relihiyosong samahan” kundi isang “relihiyosong komunidad,” isang mas mababang klasipikasyon. Dahil dito, pinagkakaitan ang mga Saksi ni Jehova ng mga benepisyong ibinibigay sa ibang kinikilalang relihiyon.

Ito ang ikaanim na pasiya ng Korte laban sa Austria at pabor sa mga Saksi ni Jehova. Pinagtitibay nito ang naunang hatol noong 2008. Sa naunang hatol na iyon, ipinasiya ng Korte na dapat na kinikilala ang mga Saksi bilang isang “relihiyosong samahan” sa loob ng “mas maikling panahon” dahil sila ay “matagal nang kinikilala sa buong daigdig” at “matagal nang umiiral” sa Austria.

Umaasa ang mga Saksi na ang pinakabagong tagumpay na ito sa European Court ay makatutulong sa pagtataguyod ng kalayaan at pag-aalis ng diskriminasyon dahil sa relihiyon, hindi lang para sa kapakinabangan ng kanilang mga kapananampalataya kundi ng lahat ng mamamayan ng mga bansang kabilang sa Council of Europe.

Media Contacts:

J. R. Brown, Office of Public Information, tel. +1 718 560 5000

Austria: Johann Zimmermann, tel. +43 1 804 53 45