Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

ENERO 11, 2013
AUSTRALIA

Malaking Sunog sa Tasmania

Malaking Sunog sa Tasmania

Nagtala ang Australia ng pinakamainit na temperatura na lumikha ng malalaking sunog sa kagubatan sa isla ng Tasmania. Kumalat ang sunog hanggang sa maliit na bayan ng Dunalley, malapit sa Hobart, ang kabisera ng lunsod. Bagaman walang iniulat na namatay, patuloy na hinahanap ng mga pulis ang ilang taong nawawala. Iniulat ng mga Saksi ni Jehova na isang bahay ng Saksi ang nasunog. Maraming Saksing nagsilikas ang kinupkop ng kanilang mga kapananampalataya. Ang tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Sydney ay gumawa ng mga kaayusan para maasikaso ang espirituwal at pisikal na pangangailangan ng mga biktima.

Media Contacts:

International: J. R. Brown, Office of Public Information, tel. +1 718 560 5000

Australia: Donald MacLean, tel. +61 2 9829 5600