Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

MAYO 2, 2017
ARGENTINA

Mapangwasak na Buhos ng Ulan sa Argentina

Mapangwasak na Buhos ng Ulan sa Argentina

BUENOS AIRES, Argentina—Simula noong Marso 29, 2017, hanggang Abril  9, 2017, ang tuloy-tuloy na buhos ng ulan ay nagdulot ng pagbaha sa mga lalawigan ng Chaco, Chubut, Catamarca, Jujuy, Misiones, La Pampa, Salta, San Juan, Santa Cruz, Santa Fe, Santiago del Estero, at Tucumán, sa Buenos Aires, Argentina. Iniulat ng tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Argentina na walang Saksi ni Jehova ang namatay o napinsala sa sakuna.

Ang mga rehiyong lubhang naapektuhan ng bagyo ay ang Chubut at Salta. Sa lunsod ng Comodoro Rivadavia, Chubut, ang buhos ng ulan sa loob ng ilang araw ay katumbas ng isang taóng buhos ng ulan, kaya mahigit 60 pamilyang Saksi ang nagsilikas. Bukod diyan, dalawang lugar ng pagsamba, o Kingdom Hall, ang napinsala sa Chubut at isa pa sa Salta. Ang tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Argentina ay bumuo ng isang disaster relief committee sa dalawang lalawigan para organisahin ang pagtulong sa mga biktima ng sakuna, na inaasahang magpapatuloy pa nang ilang linggo.

Media Contacts:

International: David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000

Argentina: Omar A. Sánchez, +54-11-3220-5900