Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

MAYO 7, 2015
ANGOLA

Mga Saksi Tumulong sa mga Biktima ng Baha sa Angola

Mga Saksi Tumulong sa mga Biktima ng Baha sa Angola

Kingdom Hall ng mga Saksi ni Jehova sa Lobito na binaha ng 70 sentimetro ng putik at tubig.

LUANDA, Angola—Dahil sa malalakas na ulan na nagsimula noong Marso 11, 2015, nagkaroon ng mga pagbaha na ikinamatay ng 85 katao at ikinapinsala ng 119 na bahay sa probinsiya ng Benguela, mga 500 kilometro mula sa kabisera na Luanda. Ayon sa ulat ng tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Angola, walang Saksi ang namatay pero 11 bahay nila ang nawasak o napinsala. Sa Lobito, isang Kingdom Hall—lugar ng pagsamba—ang binaha at napinsala.

Kinaumagahan, pagkatapos ng bagyo, bumuo ang mga Saksi ng isang disaster relief committee para alamin ang pinsala at tulungan ang mga biktima. Tinulungan ng mga Saksi ang kanilang kapananampalataya at ang mga di-Saksi sa mga apektadong lugar. Sa Kingdom Hall sa Lobito, inalis ng mga boluntaryo ang 70 sentimetro ng putik at tubig at tinapos ang pagkukumpuni para maidaos sa weekend ang isa sa espesyal na mga pagtitipon. Ang mga kinatawan ng tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Angola ay nagbiyahe mula sa Luanda para magbigay ng espirituwal na kaaliwan at pampatibay sa mga nasalantang Saksi.

Ang Kingdom Hall sa Lobito ay nilinis at kinumpuni ng mga boluntaryong Saksing tagaroon.

Sinabi ni Todd Peckham, isang tagapagsalita ng mga Saksi ni Jehova sa Angola: “Nakikisimpatiya kami sa lahat ng biktima ng trahedyang ito. Ang tanggapang pansangay sa Angola ay patuloy na mangangasiwa sa gawain ng disaster relief committee at tutulong sa mga biktima.”

Media Contacts:

International: J. R. Brown, Office of Public Information, tel. +1 718 560 5000

Angola: Todd Peckham, tel. +244 222 460 192