MAYO 26, 2025
UNITED STATES
Mga gusaling winasak ng isa sa mga buhawi na tumama sa south-central Indiana, U.S.A.
Sunod-sunod na Buhawi sa Central United States
Noong Mayo 15 at 16, 2025, sunod-sunod na malalakas na bagyo ang tumama sa central United States. a Dahil dito, nagkaroon ng maraming buhawi at nagdulot ito ng napakalaking pinsala. Ayon sa mga opisyal, malala ang isa, o posibleng higit pa, sa mga buhawi na ito, na hanggang mga 300 kilometro kada oras ang bilis ng hangin. Ang ilan naman ay inilarawan nilang matindi, na hanggang 265 kilometro kada oras ang bilis ng hangin. Dahil sa malalakas na bagyong ito, libo-libong bahay at negosyo ang nasira, nagbagsakan ang mga puno, at libo-libong tao ang nawalan ng kuryente. Di-bababa sa 28 katao ang namatay.
Epekto sa mga Kapatid
Nakakalungkot, isang 82-anyos na brother ang namatay
1 mamamahayag ang nasaktan
26 na mamamahayag ang lumikas
2 bahay ang nawasak
11 bahay ang nasira nang husto
32 bahay ang bahagyang nasira
Walang Kingdom Hall na nawasak o nasira
Relief Work
Pinatibay ng mga tagapangasiwa ng sirkito at lokal na mga elder ang mga kapatid na naapektuhan ng sakuna, at nagbigay din sila ng praktikal na tulong
Isang Disaster Relief Committee ang inatasan para manguna sa relief work
Talagang nalulungkot tayo sa pagkamatay ng ating mahal na may-edad nang brother, at ipinapanalangin nating ‘patuloy na aliwin’ ni Jehova ang lahat ng naapektuhan ng mapaminsalang mga bagyong ito.—Isaias 66:13.
a Kasama sa rehiyong ito ang Illinois, Indiana, Kentucky, Missouri, Tennessee, at Wisconsin, U.S.A.

