OKTUBRE 19, 2020
UNITED STATES
Sinalanta ng Bagyong Delta ang Louisiana
Lokasyon
Louisiana at timog-silangan ng Texas
Sakuna
Noong Oktubre 9, 2020, nag-landfall ang Category 2 na bagyo sa timog-kanluran ng Louisiana. Dinagdagan pa nito ang pinsala sa mga lugar na sinalanta na ng Bagyong Laura
Dahil sa malakas na ulan at hangin, maraming lugar ang binaha at nawalan ng kuryente
Epekto sa mga kapatid
1,583 mamamahayag ang inilikas
Pinsala sa ari-arian
216 na bahay at 16 na Kingdom Hall ang bahagyang napinsala
7 bahay ang nagkaroon ng malaking pinsala
3 bahay ang nasira
Relief work
Tinutulungan ng mga tagapangasiwa ng sirkito at mga elder doon ang mga kapatid na nangangailangan ng pagkain, tubig, tirahan, at iba pang bagay. Sinusuportahan sila ng Disaster Relief Committee na dati nang binuo para sa Bagyong Laura. Patuloy na nag-iingat ang mga kapatid habang sinusunod nila ang tagubilin ng gobyerno para maiwasan ang COVID-19
Nagsasagawa rin ng shepherding ang mga elder doon para mapatibay ang mga kapatid na naapektuhan ng bagyo. Sinabi ng isang elder: “Nakakapagpatibay makita ang tulong ni Jehova sa mga kapatid natin. Talagang binibigyan niya sila ng ‘lakas na higit sa karaniwan.’”—2 Corinto 4:7.
Nagpapasalamat tayo kay Jehova dahil patuloy siyang nagiging “kanlungan at proteksiyon” sa mga kapatid natin na naapektuhan ng mga nakaraang bagyo.—Isaias 4:6.

