Tagalog
Nalubog sa Baha ang Gitnang Bahagi ng United States
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702019135/univ/art/702019135_univ_sqr_xl.jpg

Bahay ng kapatid sa Ashland, Nebraska, na nalubog sa baha. Sinimulan na ng mga boluntaryo ang paglilinis.

ABRIL 16, 2019
UNITED STATES

Nalubog sa Baha ang Gitnang Bahagi ng United States

Nalubog sa Baha ang Gitnang Bahagi ng United States

Dahil sa matinding pag-ulan at natunaw na snow, nalubog sa baha ang Nebraska at Iowa noong Marso 2019. Ngayon lang umapaw nang husto ang mga ilog sa lugar na iyon, at umapaw rin ang mga dam, kaya daan-daang bahay ang nawasak at di-bababa sa apat ang namatay.

Iniulat ng sangay sa United States na ligtas lahat ng 5,123 mamamahayag. Pero 84 na mamamahayag ang kinailangang lumikas. Karagdagan pa, 8 bahay ng kapatid ang malubhang napinsala, at 34 na bahay naman ang bahagyang napinsala.

Sinimulan na ng mga boluntaryo mula sa kalapít na mga kongregasyon ang paglilinis sa tulong ng Local Design/Construction. Pinapatibay ng mga tagapangasiwa ng sirkito ang mga kapatid sa naapektuhang mga lugar.

Ipinapanalangin naming patuloy na maaliw ang mga kapatid sa mahirap na panahong ito sa pamamagitan ng praktikal at espirituwal na tulong.—2 Corinto 1:3, 4.