Tagalog
Mga Espesyal na Kampanya Para sa mga Nagsasalita ng Amharic at French sa Washington, D.C., U.S.A.
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702025119/univ/art/702025119_univ_sqr_xl.jpg

SETYEMBRE 5, 2025
UNITED STATES

Isang sister (kaliwa) ang nagdaraos ng pag-aaral sa Bibliya sa wikang Amharic sa panahon ng espesyal na kampanya sa Washington, D.C., U.S.A.

Mga Espesyal na Kampanya Para sa mga Nagsasalita ng Amharic at French sa Washington, D.C., U.S.A.

Mga Espesyal na Kampanya Para sa mga Nagsasalita ng Amharic at French sa Washington, D.C., U.S.A.

Mula Hunyo 1 hanggang Hulyo 6, 2025, nagsagawa ang mga Saksi ni Jehova ng dalawang espesyal na kampanya ng pangangaral sa mga mataong lugar sa Washington, D.C., U.S.A. Halos 240 ang humiling ng pag-aaral sa Bibliya sa panahon ng mga kampanya.

Amharic

Mahigit 170 kapatid na nagsasalita ng Amharic ang naglakbay mula sa 18 estado sa United States at mula sa 5 lalawigan sa Canada para makipagtulungan sa mga lokal na mamamahayag na nagsasalita ng Amharic.

Dalawang sister ang nakatagpo ng isang babaeng nagsasalita ng Amharic habang nangangaral sa bahay-bahay. Ipinaliwanag nila kung paano nakatulong sa milyon-milyong tao ang pag-aaral ng Bibliya para maging maligaya. Sinabi ng babae: “Hindi ako makapaniwala! Ginamit kayo ng Diyos para sagutin ang mga panalangin ko. Ilang buwan na akong nananalangin at humihingi ng tulong sa Diyos. Minsan umiiyak na lang ako habang nananalangin. Halos sumuko na ako at ayoko nang maniwala sa kaniya, pero nandito na kayo ngayon!” Masayang inalok ng mga sister ang babae ng pag-aaral sa Bibliya, at agad niya itong tinanggap.

Mga kapatid na nakikibahagi sa kampanya sa wikang Amharic

French

Halos 670 mamamahayag na nagsasalita ng French na mula sa Caribbean at United States ang sumama sa mga lokal na kapatid sa kampanya.

Isang sister (kanan) na nakikipag-usap sa isang babaeng nagsasalita ng French

Isang sister na nasa pamilihan ang bumati sa isang babae gamit ang wikang French. Nagulat at natuwa ang babae na may ibang taong nagsasalita ng kaniyang wika. Ipinaliwanag ng sister na tumira siya noon sa Benin, Africa, at nag-aral siyang magsalita ng French para maibahagi ang mensahe ng Bibliya sa mga tao gamit ang sarili nilang wika. Pagkatapos, binasa niya ang 1 Timoteo 2:3, 4, at idiniin na kalooban ng Diyos ang “maligtas ang lahat ng uri ng tao at magkaroon sila ng tumpak na kaalaman sa katotohanan.” Talagang naantig ang babae. Ipinakita ng kapatid ang brosyur na Masayang Buhay Magpakailanman, at tinalakay nila kung paano makakatulong ang pag-aaral ng Bibliya para mas matuto tungkol sa mga pangako ng Diyos at kung bakit makakapagtiwala siya rito. Nagpalitan sila ng contact number, at makalipas ang ilang araw, nasimulan na nila ang pag-aaral ng Bibliya.

Masaya tayo sa magagandang resulta na ito at pinahahalagahan natin ang kusang-loob na espiritu ng lahat ng patuloy na naglilingkod sa mga bukirin na “maputi na para sa pag-aani.”​—Juan 4:35.