Tagalog
Sinentensiyahan ng Ukraine si Vitalii Kryushenko na Mabilanggo Nang Tatlong Taon Dahil sa Pagtangging Magsundalo
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702025052/univ/art/702025052_univ_sqr_xl.jpg

PEBRERO 6, 2025
UKRAINE

Si Brother Vitalii Kryushenko at ang asawa niyang si Olha

Sinentensiyahan ng Ukraine si Vitalii Kryushenko na Mabilanggo Nang Tatlong Taon Dahil sa Pagtangging Magsundalo

Unang Saksing Nahatulan Mula Nang Magsimula ang Digmaan Noong 2022

Sinentensiyahan ng Ukraine si Vitalii Kryushenko na Mabilanggo Nang Tatlong Taon Dahil sa Pagtangging Magsundalo

Noong Enero 27, 2025, nag-umpisa ang tatlong-taóng sentensiyang pagkabilanggo kay Brother Vitalii Kryushenko dahil sa pagtanggi niyang magsundalo. Siya ang unang Saksi ni Jehova na makukulong dahil sa pagtangging magsundalo mula nang magsimula ang digmaan sa Ukraine noong Pebrero 2022.

Nahatulan si Vitalii at nasentensiyahang makulong kahit na ginagarantiyahan ng Article 35 ng Konstitusyon ng Ukraine ang alternatibong serbisyo sibil para sa mga tumatangging magsundalo dahil sa kanilang personal na mga paniniwala. Iyan ang isyung kinakaharap ngayon ng mahigit 700 kapatid natin sa Ukraine na tumangging magsundalo.

Pagkatapos tawagin si Vitalii para sumali sa militar noong Abril 2024, magalang siyang humiling ng alternatibong serbisyo sibil. Pero noong Hulyo 2024, hinatulan siyang may-sala dahil sa pagtangging magsundalo at sinentensiyahang mabilanggo. Kaagad na umapela si Vitalii, pero ibinasura ito ng Sumy Court of Appeals.

Sinabi niya kung ano ang nakatulong sa kaniya na manatiling masaya sa kabila ng mga pagsubok: “Nagbabala si Jesus sa Marcos 13:9 na dadalhin tayo ng mga tao sa mga hukuman. Ang mga pangyayaring ito at ang digmaan ay ebidensiya na nabubuhay na tayo sa mga huling araw. Hindi lang ako naturuan ng karanasang ito na mas magtiwala kay Jehova; nabigyan din ako nito ng pribilehiyong mapabanal ang pangalan niya.”

Nagtipon-tipon ang mga kapatid para suportahan si Vitalii at ang asawa niya sa panahon ng paglilitis noong Hulyo 2024

Habang ipinapanalangin natin si Vitalii at ang lahat ng iba pang pinag-uusig dahil sa pagiging neutral, nagtitiwala tayo na ‘naririnig ng ating Ama sa langit ang kanilang pagbubuntonghininga’ at papatnubayan at poproteksiyunan niya sila.​—Awit 79:11.