SETYEMBRE 7, 2020
TURKMENISTAN
Ikinulong si Brother Myrat Orazgeldiyev ng Turkmen Court Dahil sa Pagtangging Magsundalo Udyok ng Konsensiya
Hatol
Noong Setyembre 3, 2020, sinentensiyahan si Brother Myrat Orazgeldiyev ng Vekilbazar District Court ng Mary Region ng isang-taóng pagkabilanggo dahil sa pagtangging maglingkod sa militar udyok ng konsensiya. Aapela siya sa korte.
Profile
Myrat Orazgeldiyev
Ipinanganak: 2002 (Mary City)
Maikling Impormasyon: Nagtrabaho bilang waiter para masuportahan ang pamilya niya. Pinalaking Saksi ng nanay niya. Mahilig sa sports at magsulat ng kanta
Kaso
Noong Hunyo 2020, ipinatawag ng enlistment office si Brother Orazgeldiyev para maglingkod sa militar, isang buwan pagkatapos niyang maging 18-anyos. Ipinaliwanag niya kung bakit siya tumangging magsundalo at humiling ng alternatibong serbisyong pansibilyan.
Noong Hulyo 1, 2020, tinangkang kunin ng tatlong militar si Brother Orazgeldiyev mula sa bahay niya. Tumanggi siyang sumama sa kanila. Nang araw ding iyon, ipina-medical si Brother Orazgeldiyev. Sinabi ng doktor na kaya niyang maglingkod sa militar.
Noong Hulyo 14, 2020, ipinatawag ng prosecutor’s office si Brother Orazgeldiyev para imbestigahan. Nang sumunod na buwan, kinasuhan siya ng krimen at iniskedyul na litisin.
Ipinapanalangin natin kay Jehova at nagtitiwala tayo na patuloy niyang bibigyan ng lakas ng loob si Brother Orazgeldiyev pati na ang 10 pang kabataang brother na nakakulong.—Awit 31:24.

