Tagalog
Hinatulang May-sala ng Turkmenistan ang Ikalawang Kabataang Saksi Dahil sa Pagtangging Magsundalo
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702025053/univ/art/702025053_univ_sqr_xl.jpg

PEBRERO 11, 2025
TURKMENISTAN

Si Brother Agabek Rozbayev

Hinatulang May-sala ng Turkmenistan ang Ikalawang Kabataang Saksi Dahil sa Pagtangging Magsundalo

Hinatulang May-sala ng Turkmenistan ang Ikalawang Kabataang Saksi Dahil sa Pagtangging Magsundalo

Noong Enero 27, 2025, sinentensiyahan ng Shabat District Court ang 20-anyos na si Brother Agabek Rozbayev ng isang-taon-at-anim-na-buwang sapilitang pagtatrabaho. Hindi ikukulong si Agabek, pero ibabayad niya sa Estado sa panahong iyon ang 20 porsiyento ng suweldo niya mula sa kaniyang sekular na trabaho. Sa taóng ito, ikalawa na si Agabek sa mga Saksi ni Jehova sa Turkmenistan na nahatulan dahil sa pagtangging magsundalo. Mga ilang linggo lang ang nakakaraan, nasentensiyahan si Brother Arslan Vepayev ng dalawang-taóng sapilitang pagtatrabaho dahil sa pagtangging magsundalo.

Mula noong 2022, paulit-ulit na ipinapatawag si Agabek para sumali sa militar. Tuwing ipapatawag siya, magalang niyang ipinapaliwanag ang salig-Bibliyang mga paniniwala niya at kung bakit siya tumatangging magsundalo. Noong Disyembre 2024, nalaman ni Agabek na sinampahan siya ng mga awtoridad ng kasong kriminal. Nahatulan siya at nasentensiyahan noong dulong bahagi ng Enero 2025.

Nagtitiwala tayo na patuloy na tutulungan ni Jehova si Agabek at bibigyan ng karunungan habang ‘patuloy siyang namumuhay nang karapat-dapat sa harap ng Diyos.’—1 Tesalonica 2:12.