PEBRERO 19, 2021
TURKMENISTAN
Brother Azamatjan Narkuliyev, 20 Taóng Gulang, Nabilanggo Ulit Isang Taon Matapos Makalaya
Hatol
Noong Enero 18, 2021, hinatulan ng isang korte sa Turkmenistan si Brother Azamatjan Narkuliyev. Sinentensiyahan siya ng dalawang-taóng pagkabilanggo sa strict-regime prison colony dahil sa pagtangging magsundalo udyok ng konsensiya. Ito ang ikalawang beses na nabilanggo siya dahil sa pagiging neutral.
Profile
Azamatjan Narkuliyev
Ipinanganak: 2000
Maikling Impormasyon: Nabautismuhan noong 2018. May magandang reputasyon dahil siya ay mapagpakumbaba, mahinahon, at masipag. Mga Saksi ni Jehova rin ang nanay niya at ang dalawang kapatid na babae
Kaso
Noong Enero 7, 2020, pinalaya si Azamatjan, edad 20, matapos ang isang-taóng pagkabilanggo dahil sa pagtangging magsundalo udyok ng konsensiya. Dahil dalawang beses puwedeng mahatulan sa Turkmenistan ang mga tumatangging magsundalo udyok ng konsensiya, makalipas lang ang limang buwan, ipinatawag ulit siya ng mga opisyal ng militar. Hinatulan ulit siya dahil sa pagtangging magsundalo o maglingkod kasama ng mga sundalo na hindi nagdadala ng mga armas.
Noong Disyembre 20, 2020, nagsampa ng kasong kriminal ang prosecutor laban sa kaniya. Kinumpiska rin ng mga awtoridad ang passport niya.
Ipinapanalangin natin si Azamatjan at ang pamilya niya. Alam natin na pagpapalain ang pananatili nilang tapat. Sinasabi ng Bibliya na “magiging tapat [si Jehova] sa mga tapat.”—Awit 18:25.

