PEBRERO 10, 2023 | UPDATED: PEBRERO 17, 2023
TÜRKIYE
UPDATE—Napakaraming Naapektuhan ng Napakalakas na Lindol sa Turkey
Noong umaga ng Lunes, Pebrero 6, 2023, isang 7.8 magnitude na lindol ang yumanig sa southeastern Turkey. Nasundan pa ito ng isa pang 7.5 magnitude na lindol. Sunod-sunod na aftershock din ang naramdaman sa lugar na iyon. Mahigit 38,000 ang namatay at mahigit 108,000 naman ang nasugatan.
Epekto sa mga Kapatid sa Turkey
Nakakalungkot, 1 may-edad na sister ang namatay sa lunsod ng Adana. Isang brother din, ang asawa niya, at dalawang menor-de-edad na anak nila ang namatay sa lunsod ng Adiyaman
3 bahay ang nawasak
17 bahay ang nagkaroon ng malaking pinsala
22 bahay ang bahagyang napinsala
1 Kingdom Hall ang nagkaroon ng malaking pinsala
2 Kingdom Hall ang bahagyang napinsala
Relief Work
Patuloy na naglalaan ng kinakailangang espirituwal na tulong sa mga naapektuhan ng sakuna ang mga inatasang brother
2 Disaster Relief Committee ang inatasang mangasiwa sa relief work
Isang miyembro ng Komite ng Sangay na nagbibigay ng espirituwal na pampatibay sa mga kapatid, kasama na rito ang mga kapatid na nasira o nawasak ang bahay
Sa gitna ng nakakatakot na lindol at malalakas na aftershock, nakatulong sa mga kapatid na malamang si Jehova ay “kanlungan at lakas, [at] handa siyang tumulong kapag may mga problema.”—Awit 46:1.

