NOBYEMBRE 25, 2021
SRI LANKA
Malalakas na Buhos ng Ulan, Nagdulot ng Pinsala sa Sri Lanka
Sa buong buwan ng Nobyembre 2021, naranasan ng Sri Lanka ang madalas na pag-ulan na may kasamang malakas na hangin. Nagdulot ito ng mga pagbaha at pagguho ng lupa sa Sri Lanka.
Epekto sa mga Kapatid
Walang nasugatan o namatay sa ating mga kapatid
57 pamilya ang kailangan lumikas
15 bahay ang bahagyang nasira
4 na bahay ang nawasak
Relief Work
Inorganisa ng Disaster Relief Committee ang mga kongregasyon doon para tulungan ang 52 pamilyang lumikas na linisin ang mga bahay nila para makabalik sila sa kanilang tahanan
Nagsaayos ang mga kongregasyon doon ng pansamantalang matutuluyan ng natitira pang 5 pamilya na lumikas
Patuloy na pinapatibay at inaaliw ng mga tagapangasiwa ng sirkito at mga elder doon ang lahat ng naapektuhang kapatid
Sinunod ng lahat ng tumulong ang safety protocol para sa COVID-19
Alam natin na patuloy na ‘papayapain ni Jehova at pagiginhawahin’ ang ating mga kapatid sa mahihirap na mga huling araw na ito.—Awit 94:19.

