Tagalog
Matinding Pagbaha sa Timog-Silangan ng Spain
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702024262/univ/art/702024262_univ_sqr_xl.jpg

NOBYEMBRE 6, 2024
SPAIN

Matinding Pagbaha sa Timog-Silangan ng Spain

Matinding Pagbaha sa Timog-Silangan ng Spain

Noong Oktubre 29, 2024, binaha ang mga lugar sa timog-silangan ng Spain dahil sa malalakas na ulan. Ayon sa ulat, katumbas ng sa isang-taóng pag-ulan ang bumuhos sa ilang lugar sa Valencia sa loob lang ng walong oras. Halimbawa, ang tubig-ulan na bumuhos sa bayan ng Turis ay may taas na mga 64 na sentimetro. Maraming bayan ang lubog sa baha at natabunan ng mga landslide, at nasira ang mga daan at tulay. Libo-libo ang wala pa ring pagkain, tubig, at kuryente. Di-kukulangin sa 217 katao ang namatay, at marami pa ang iniulat na nawawala.

Epekto sa mga Kapatid

  • Nakakalungkot, isang 77-anyos na sister ang namatay

  • 19 na mamamahayag ang inilikas

  • 1 bahay ang nawasak

  • 21 bahay ang nasira nang husto

  • 27 bahay ang bahagyang nasira

  • 157 mamamahayag ang nawalan ng sasakyan dahil sa baha

  • 3 Kingdom Hall ang nasira nang husto

Relief Work

  • Pinatibay ng mga kinatawan ng sangay, mga tagapangasiwa ng sirkito, at lokal na mga elder ang mga kapatid, at nagbigay din sila ng praktikal na tulong

  • Isang Disaster Relief Committee ang binuo para organisahin ang pagtulong sa mga biktima ng sakuna

  • Nagpatulóy ng mga kapatid na naapektuhan ng baha ang mga kapatid na nakatira sa mas ligtas na lugar

Nalulungkot tayo sa lahat ng naapektuhan ng matinding pagbaha sa Spain. Nakakapagpatibay ang pangako ng Bibliya na sa mahihirap na panahon, “hindi . . . matatakot” ang lahat ng nagtitiwala kay Jehova at ginagawa siyang lakas.—Isaias 12:2.