SETYEMBRE 18, 2019
SOUTH KOREA
Kristiyanong Neutralidad sa South Korea—Kasaysayan ng Pananampalataya at Lakas ng Loob
Mula 1953, ibinibilanggo na ang mga kabataang brother sa Korea dahil sa pagtanggi nilang magsundalo. Lahat-lahat, 36,000 taóng nabilanggo ang mahigit 19,000 brother dahil sa paninindigan sa pananampalataya nila. Pero noong Pebrero 28, 2019, pinalaya ang huling brother na nakabilanggo. Paano naging posible ang makasaysayang pangyayaring ito? Tingnan natin ang rekord ng di-natitinag na pananampalataya at lakas ng loob ng mga kapatid natin sa Korea.

