PEBRERO 1, 2024
SOUTH AFRICA
Pangangaral Tungkol sa Kaharian ni Jehova sa Wikang Zulu sa Loob ng 75 Taon
Noong Enero 2024, pitumpu’t limang taon nang inilalathala ang Bantayan sa wikang Zulu. Noong 1949, inimprenta ang mga kopya ng Bantayan sa sangay sa South Africa gamit ang isang makinang pinapatakbo nang mano-mano. Pagkatapos, bumili ang sangay ng makabagong printing press, na nakakapag-imprenta ng mas maraming magasin na mas maganda ang kalidad.
Tagapagsalin sa wikang Zulu noong 1980’s na gumagamit ng dictating machine
Problema noon ang paghahanap ng matutuluyan ng translation team ng Zulu. Ipinagbabawal kasi dati sa South Africa na tumirang magkakasama sa iisang gusali ang mga itim at puti. Kaya sa labas ng Bethel tumira ang mga itim na tagapagsalin ng Zulu. Kailangan pa tuloy nilang magbiyahe. Mas magastos rin ito at nagdulot ng iba pang problema. Halimbawa, may pagkakataong 20 Zulu translator ang magkakasama sa iisang kuwarto sa isang hostel. Naranasan ito ni Brother Alfred Phatswana sa loob ng dalawang taon mula noong 1981. Ngayon, bilang isang miyembro ng Komite ng Sangay sa South Africa, sinabi niya: “Hindi laging maganda ang kalagayan sa hostel. Pero kahit paano, natutuwa kami na may tinuluyan kami para masuportahan ang gawaing pagsasalin. At dahil sinisikap talaga naming mapanatiling malinis ang tirahan namin, madalas kaming nakakapagpatotoo.”
Buti na lang, puwede na ngayong magtrabaho nang magkakasama ang mga kapatid natin sa South Africa sa isang komportableng remote translation office sa Durban, South Africa. Mahigit 28,000 nang mamamahayag sa 584 na kongregasyong nagsasalita ng Zulu ang gumagamit ng Bantayan at iba pang literatura sa Bibliya sa kanilang sariling wika.
Nakapaloob na larawan sa itaas: Ang remote translation office (RTO) sa Durban, South Africa. Nakapaloob na larawan sa ibaba: Ilang kapatid na naglilingkod sa RTO. Kanan: Isang brother at isang sister na nangangaral ng mabuting balita gamit ang Bantayan sa wikang Zulu
Masaya tayo na patuloy na pinagpapala ni Jehova ang pagsasalin ng Bantayan at iba pang literatura sa wikang Zulu para mas marami pa ang ‘kumuha ng tubig ng buhay na walang bayad.’—Apocalipsis 22:17.

