Tagalog
Mayroon Nang Remote Translation Office ang Sangay sa South Africa Para sa Wikang Venda
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702023076/univ/art/702023076_univ_sqr_xl.jpg

Ang bagong translation office

PEBRERO 22, 2023
SOUTH AFRICA

Mayroon Nang Remote Translation Office ang Sangay sa South Africa Para sa Wikang Venda

Mayroon Nang Remote Translation Office ang Sangay sa South Africa Para sa Wikang Venda

Noong Disyembre 7, 2022, mayroon nang remote translation office (RTO) para sa wikang Venda sa Makhado, South Africa. Ang translation team ay may 10 full-time at 8 part-time na mga translator.

May mga 1.2 milyong tao sa South Africa na nagsasalita ng Venda at 100,000 pa sa Zimbabwe. Sa ngayon, may 28 kongregasyong nagsasalita ng Venda sa dalawang bansang ito, na may mga 800 Saksi ni Jehova.

Ang dating bahay sa property ay ni-renovate at ginawang apat na residential apartment. Nagtayo ng bagong gusali para gawing mga translation office. Bumili rin ng tatlo pang apartment na malapit sa translation office para gawing tirahan.

Ibinagay ang disenyo ng RTO sa klima roon. Halimbawa, sinabi ni Brother Jody Palvie, na project manager sa Local Design/Construction Department: “Napakainit dito kaya hindi pinutol ang malalaking puno para may lilim pa rin. Gumamit din ng mga tiles at polished concrete sa karamihan ng mga gusali para hindi masyadong mainit.”

Kaliwa: Video recording ng isang espirituwal na programa. Kanan: Isang team ng mga translator sa wikang Venda

Dahil sa paglipat ng translation team, mas nakakausap nila ang mga taong nagsasalita ng Venda. Sinabi ng isang translator: “Araw-araw na naming nakakausap ang mga nagsasalita ng wikang Venda. Malaking tulong ito para karaniwang mga salita ang magamit namin sa pagsasalin.” Sinabi naman ng isa pang translator: “Malapit na kami ngayon sa mga kapatid na nagsasalita ng Venda na makakatulong sa amin sa paggawa ng mga video at audio recording.”

Alam natin na patuloy na pagpapalain ni Jehova ang mga kapatid na nagsisikap na ‘purihin si Jehova’ sa harap ng mga taong nagsasalita ng Venda.—Awit 145:21.