Tagalog
Maikling Impormasyon
/assets/ct/28ada02fb0/images/syn_placeholder_sqr.png

RWANDA

Maikling Impormasyon—Rwanda

Maikling Impormasyon—Rwanda

Aktibo na sa Rwanda ang mga Saksi ni Jehova mula pa noong 1970. Legal silang nairehistro noong 1992, at kinumpirma pa ito ng gobyerno noong 2002. Kilalang-kilala ang mga Saksi sa kanilang pananatiling neutral sa politika, at sa kalakhan ay malaya silang isagawa ang kanilang relihiyosong paniniwala. Hindi sila nakibahagi sa kalupitan nang magkaroon ng genocide noong 1994. Isinapanganib pa nga nila ang kanilang buhay para iligtas ang iba. Pero sa ngayon, ang mga Saksi ay nagiging biktima ng diskriminasyon dahil sa pananatili nilang neutral sa politika.

Pinatalsik ng ilang namumuno sa paaralan ang mga estudyanteng Saksi dahil hindi sila nakikibahagi sa makabayan at relihiyosong seremonya sa paaralan. a Karagdagan pa, inobliga ng gobyerno ang mga guro na sumama sa mga seminar na may pagsasanay sa militar at pagkanta ng pambansang awit. Daan-daang gurong Saksi ang nawalan ng trabaho. Noong 2010, inobliga naman ng gobyerno ng Rwanda ang lahat ng empleado nito na makibahagi sa seremonya na may panunumpa sa bandila. Kaya maraming Saksi ni Jehova na nagtatrabaho sa gobyerno ang nawalan din ng trabaho.

Sa kabila ng mga hamong ito, nagpapasalamat ang mga Saksi ni Jehova sa Rwanda sa kalayaan sa relihiyon na mayroon sila. Umaasa sila na balang-araw, makikita ng mga opisyal ng Rwanda na ang pananatili nilang neutral sa politika ay hindi banta sa gobyerno.

a Para sa mga Saksi ni Jehova, ang pakikibahagi sa mga seremonyang makabayan ay isang uri ng pagsamba at labag ito sa utos ng Diyos na siya lang ang dapat sambahin. Hindi man sila sumasali sa ganitong mga seremonya, iginagalang naman nila ang karapatan ng iba na nakikibahagi sa mga iyon.