Tagalog
Unang Mag-asawang Saksing Ibinilanggo sa Russia
/assets/ct/28ada02fb0/images/syn_placeholder_sqr.png

HULYO 13, 2018
RUSSIA

Unang Mag-asawang Saksing Ibinilanggo sa Russia

Unang Mag-asawang Saksing Ibinilanggo sa Russia

Noong Hulyo 6, 2018, sinentensiyahan ng mga awtoridad sa Omsk, Russia, ng pagkabilanggo bago pa man litisin ang isang mag-asawang Saksi, sina Sergey at Anastasia Polyakov. Ito ang unang pagkakataon na ibinilanggo sa Russia ang isa sa ating mga sister mula nang magdesisyon ang Supreme Court na ipagbawal ang gawain ng mga Saksi ni Jehova.

Sinabi ng SOVA Center for Information and Analysis sa Moscow tungkol sa pagkabilanggo na ito: “Naniniwala kami na ang desisyong ito, gaya ng pag-uusig sa lahat ng Saksi ni Jehova, ay walang legal na basehan, at masasabi naming diskriminasyon ito sa relihiyon.”

Mayroon na ngayong 21 brother at 1 sister ang nakabilanggo sa Russia dahil sa kanilang pananampalataya. Patuloy natin silang ipanalangin na magkaroon ng lakas ng loob, dahil alam nating tutulungan sila ni Jehova.—Hebreo 13:6.