ABRIL 20, 2017
RUSSIA
Supreme Court ng Russia, Nagdesisyon Laban sa mga Saksi ni Jehova
NEW YORK—Pagkatapos ng anim na araw ng pagdinig sa nakalipas na dalawang linggo, pinanigan ngayon ng Supreme Court ng Russian Federation ang Ministry of Justice sa kahilingan nito na ipasara ang Administrative Center ng mga Saksi ni Jehova sa Russia at ang 395 Local Religious Organization (LRO) na ginagamit ng mga Saksi sa buong Russia. Puwede nang ipatupad ang desisyong ito.
“Nalulungkot kami sa pangyayaring ito at nag-aalala sa magiging epekto nito sa aming mga gawain,” ang sabi ni Yaroslav Sivulskiy, isang tagapagsalita para sa mga Saksi ni Jehova sa Russia. “Iaapela namin ang desisyong ito, at umaasa kami na lubusang ibabalik sa lalong madaling panahon ang aming legal na mga karapatan at ang proteksiyong nararapat sa amin bilang isang mapayapang grupo ng relihiyon.”
May 30 araw ang mga Saksi ni Jehova sa Russia para isumite ang kanilang apela para ang kaso ay masuri ng isang lupon na may tatlong miyembro.
Media Contacts:
International: David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000
Russia: Yaroslav Sivulskiy, +7-911-087-8009

