MARSO 25, 2020
RUSSIA
Unang Bumaligtad na Hatol sa Russia, Brother Alushkin at Limang Iba Pa, Panalo sa Apela
Noong Marso 25, 2020, binaligtad ng Penza Regional Court ang naging hatol nito kina Brother Vladimir Alushkin, Vladimir Kulyasov, Andrey Magliv, at Denis Timoshin, pati na kina Sister Tatyana Alushkina at Galiya Olkhova. Muling diringgin ang kaso nila.
Dahil sa pagkapanalong ito sa apela, si Brother Alushkin ay papalayain sa susunod na mga araw. Habang hinihintay ni Brother Alushkin at ng iba na muling dinggin ang kaso nila, sila ay bawal pa ring umalis ng kanilang lugar at may iba pang restriksiyong ibinigay sa kanila.

