MAYO 21, 2024 | UPDATED: MARSO 19, 2025
RUSSIA
UPDATE—SINENTENSIYAHAN NG SAPILITANG PAGTATRABAHO ANG KAPATID MATAPOS UMAPELA | Isang Karangalang Ipagtanggol ang Pangalan ni Jehova
Noong Marso 13, 2025, matapos umapela ni Brother Sergey Lukin, binago ng Altai Territory Court ang suspended prison sentence na hatol sa kaniya at ginawa itong sapilitang pagtatrabaho nang apat na taon at anim na buwan. Kailangan niyang tumira sa isang correctional facility at magtrabaho sa lugar na sasabihin sa kaniya.
Noong Disyembre 11, 2024, hinatulan ng Biysk City Court of the Altai Territory si Brother Sergey Lukin ng suspended prison sentence na apat na taon at anim na buwan. Hindi niya kailangang makulong sa ngayon.
Profile
Nagpapasalamat tayo sa halimbawa ni Sergey, dahil ipinapaalala nito sa atin na ang pag-ibig natin kay Jehova ay ‘nag-aalis ng takot.’—1 Juan 4:18.
Time Line
Disyembre 1, 2022
Sinampahan ng kasong kriminal
Enero 25, 2023
Hinalughog ang apartment at opisina niya. Pinagtatanong at pinagbawalang umalis ng kanilang lugar
Enero 25, 2024
Nagsimula ang paglilitis

