HULYO 22, 2022 | UPDATED: ENERO 30, 2024
RUSSIA
UPDATE—PINAGMULTA | Mga Saksi sa Shuya, Nagtitiis ng Kawalang-katarungan
Noong Enero 29, 2024, hinatulan ng Shuya City Court of the Ivanovo Region sina Brother Aleksey Arkhipov, Brother Dmitriy Mikhaylov at asawa niyang si Yelena, at sina Sister Svetlana Ryzhkova at Svetlana Shishina. Si Brother Arkhipov ay pinagmumulta ng 350,000 rubles (3,920 U.S.), si Brother Mikhaylov ay ng 950,000 rubles (10,640 U.S.), ang asawa niyang si Yelena ay ng 560,000 rubles (6,270 U.S.), si Sister Ryzhkova ay ng 480,000 rubles (5,380 U.S.), at si Sister Shishina ay ng 400,000 rubles (4,480 U.S.).
Time Line
Setyembre 21, 2017
Pinahintulutan ng isang hukom na i-tap ang telepono ng mga Mikhaylov
Enero 15, 2018
Pinahintulutan ng isang hukom na i-tap at lagyan ng surveillance video ang bahay ni Sister Svetlana Ryzhkova para manmanan siya
Abril 20, 2018
Hinalughog ng mga awtoridad ang bahay ng limang Saksi
Mayo 29, 2018
Inaresto ng mga pulis si Dmitry at nagsampa ng kaso laban sa kaniya dahil daw sa pagpopondo niya sa gawain ng isang ekstremistang organisasyon. Inilagay siya sa pretrial detention
Hunyo 22, 2018
Isinama si Aleksey sa mga may kaso at pinagbawalang umalis sa kanilang lugar
Hunyo 27, 2018
Isinama sa kaso sina Sister Yelena Mikhaylova, Svetlana Ryzhkova, at Svetlana Shishina
Nobyembre 15, 2018
Ipinag-utos ng court of appeals na palayain si Dmitry pagkatapos nang halos anim na buwan sa pretrial detention
Agosto 10, 2021
Nagsimula ang paglilitis
Setyembre 16, 2021
Ibinalik ang kaso sa prosecutor para i-review
Mayo 25, 2022
Nagpatuloy ang paglilitis
Profile
Dahil sa lakas-loob at pagtitiis ng mahal nating mga kapatid sa Russia, talagang marami tayong dahilan para makigalak sa kanila.—1 Tesalonica 2:20.

