MARSO 19, 2024 | UPDATED: PEBRERO 19, 2025
RUSSIA
UPDATE—NASENTENSIYAHAN ANG ISANG MAG-ASAWA | ‘Si Jehova ang Umaaliw sa Akin’
Noong Pebrero 19, 2025, hinatulan ng Petropavlovsk-Kamchatskiy City Court of the Kamchatka Territory si Brother Sergey Chechulin at ang asawa niyang si Sister Yelena Chechulina ng anim-na-taóng suspended prison sentence. Hindi sila makukulong sa ngayon.
Noong Oktubre 30, 2024, binaligtad ng Ninth General Jurisdiction Court of Cassation sa Vladivostok ang hatol kay Brother Sergey Chechulin at sa asawa niyang si Sister Yelena Chechulina. Ibabalik ang kaso nila sa orihinal na korte para sa muling paglilitis.
Noong Abril 22, 2024, hinatulan ng Petropavlovsk-Kamchatskiy City Court of the Kamchatka Territory si Brother Sergey Chechulin at ang asawa niyang si Sister Yelena Chechulina. Sinentensiyahan sila ng dalawang-taóng suspended prison sentence. Hindi sila makukulong sa ngayon.
Profile
Gaya nina Sergey at Yelena, pinapahalagahan din natin ang Salita ng Diyos. Pinatitibay tayo nito at binibigyan tayo ng karunungan na kailangan natin para manatili tayong tapat kapag may pagsubok.—Awit 19:7.
Time Line
Setyembre 25, 2022
Sinampahan ng kasong kriminal
Oktubre 17, 2022
Hinalughog ang bahay
Setyembre 6, 2023
Pinagbawalang umalis ng kanilang lugar
Setyembre 7, 2023
Pinagbawalang umalis ng kanilang lugar si Yelena
Disyembre 26, 2023
Nagsimula ang paglilitis

