MAYO 19, 2022 | UPDATED: PEBRERO 6, 2023
RUSSIA
UPDATE—NAHATULAN | Mga Kapatid sa Lesozavodsk, Nasusubok ang Pananampalataya
Noong Pebrero 3, 2023, hinatulan ng Lesozavodskiy District Court of the Primorye Territory sina Brother Yevgeniy Grinenko at Sergey Kobelev at si Sister Svetlana Yefremova. Tumanggap sina Yevgeniy at Sergey ng suspended prison sentence na tig-anim na taon. Tumanggap naman si Svetlana ng tatlong-taóng suspended prison sentence. Hindi nila kailangang makulong sa ngayon.
Time Line
Mayo 12, 2020
Isinampa ang kasong kriminal laban kay Yevgeniy dahil sa pag-oorganisa diumano ng mga aktibidad ng isang “ekstremistang” organisasyon. Hinalughog ng mga opisyal ng FSB ang mga bahay nina Yevgeniy at Sergey. Pinuntahan ng ibang pulis si Sergey sa kaniyang pinagtatrabahuhan at inaresto. Pinagtatanong siya sa loob ng apat na oras saka pinalaya. Inilagay rin si Yevgeniy sa isang temporary holding facility
Mayo 14, 2020
Iniutos ng korte na ilagay si Yevgeniy sa isang pretrial detention center
Mayo 29, 2020
Inilipat ng mga awtoridad si Yevgeniy sa isang pretrial detention center sa Spassk-Dalny
Hulyo 8, 2020
Pinalaya ng korte si Yevgeniy mula sa pretrial detention at inilagay sa house arrest
Pebrero 6, 2021
Pinalaya si Yevgeniy mula sa house arrest at pinagbawalang umalis ng kanilang lugar
Marso 8, 2021
Sinampahan ng kasong kriminal si Sergey dahil sa pakikibahagi diumano sa mga aktibidad ng isang “ekstremistang” organisasyon
Abril 6, 2021
Isinama si Svetlana sa kaso
Profile
Ang ating tapat na mga kapatid ay nagpapakita ng mabuting halimbawa ng lakas-loob na “dumanas ng maraming kapighatian para makapasok sa Kaharian ng Diyos.”—Gawa 14:22.

