SETYEMBRE 30, 2022
RUSSIA
UPDATE—NAHATULAN ANG KAPATID | Labanan ang Pagkasira ng Loob sa Tulong ng Positibong Saloobin
Noong Oktubre 10, 2022, hinatulan ng Solnechniy District Court of the Khabarovsk Territory si Brother Boris Yagovitov at pinatawan ng limang-taong suspended prison sentence. Siyam na buwan siyang nasa pretrial detention. Agad siyang inilabas at hindi kailangang makulong sa ngayon.
Time Line
Disyembre 14, 2020
Sinuri ng mga imbestigador ang mga audio recording ng pag-uusap ni Boris at ng isang secret agent na nagpanggap na interesado sa Bibliya.
Mayo 14, 2021
Sinampahan ng kasong kriminal si Boris. Inakusahan siya ng pakikibahagi sa mga pulong ng isang ekstremistang organisasyon at nagre-recruit ng bagong mga miyembro
Hunyo 5, 2021
Pinagtatanong kasama si Nataliya habang hinahalughog ang kanilang bahay. Pagkatapos inilagay siya sa temporary detention
Hunyo 7, 2021
Pinalaya mula sa temporary detention at inilagay sa house arrest
Disyembre 29, 2021
Nagsimula ang paglilitis. Noong panahon ng hearing, iniutos ng prosecutor na ilagay si Boris sa pretrial detention pagkatapos sabihin na nilabag ni Boris ang mga kondisyon ng house arrest. Inilagay siya ng mga pulis sa pretrial detention
Pebrero 24, 2022
Ibinalik ang kaso sa prosecutor dahil nilabag ng mga imbestigador ang ilang proseso. Pero hindi pinalaya si Boris sa pretrial detention
Hunyo 9, 2022
Muling nagsimula ang paglilitis
Profile
Mahusay na halimbawa sina Boris at Nataliya dahil nagsisikap silang isipin ang mga bagay na matuwid at kapuri-puri. Nagtitiwala tayo na patuloy na sasakanila “ang Diyos ng kapayapaan.”—Filipos 4:8, 9.
a Noong inihahanda ang artikulong ito, si Brother Yagovitov ay nasa pretrial detention. Hindi posibleng makuha ang mga komento niya.

